Saturday, September 18, 2004

Isa na naman itong post na nakakadepress... Nawa'y basahin niyo...

Nakakaasar. Gustuhin ko mang ilibre lahat ng kaibigan ko, di ko magagawa. Baket? POTAH ANG DAME NYO. Magyoyosi na lang ako dito. *huff*

Hu Hu Hu. Naisip ko, dati, 2 years ago, muntik nang makumpleto ang kada nung birthday ko sa Rockwell. Naisip ko ulet, pedeng mangyari un dahil matagal tagal na ren tayong di nagkikita.

Eh pano ang bombshells? Ang gorgeous? Ang SS? Ang Mean Girls/College Barkada? Ang VTV madali lang. Bukod sa kasama na sa barkada, 3 lang tayo.

Lecheng buhay to. Bat kase ang dami kong friends. Tenkyu Lord.

Pero naisip ko ren. Hindi naman dun nasusukat ang pagkakaibigan. Masaya kasi pag madaming friends, kaso masakit sa bulsa. Basta tipid muna this year. At higit sa lahat, naisip ko, hindi naman yun ang huli kong birthday. Madami pang susunod, diba Lord? diba diba diba?

Ang dami kong naisip noh? Eto last na...

EH KUNG KAYO NA LANG KAYA ANG ILIBRE KO? HAR HAR.

Mica, vows to virginity
@ 10:51 PM




Post a Comment
0 blabs